3 Pulis na Nangotong, Nakatikim ng Sermon kay NCRPO Chief Eleazar


Loading...
Nanggagalaiti sa galit si National Capital Region Police Office chief Guillermo Eleazar nang makaharap ang tatlong pulis pulis-Maynila dahil sa pagpapanggap nila bilang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para mangotong.


Sa video, kinaltukan ni NCRPO chief Eleazar ang tatlong pulis na sina PO1 Edmar Dalusung Cayanan, PO1 Jeff-Pee Macapagal Calaguas at PO1 Radam Reyes Manglicmot.

Ayon sa ulat, ang tatlong pulis ay mga tauhan ng Manila Police District Station 5.

Ayon naman sa report, ang tatlong pulis ay nagpanggap na mga PDEA at nangdampot ng limang tao. Nagtangka ang mga pulis na ito na kotongan ng P300,000 ang mga biktima na kanilang dinampot. Nagkatawaran kaya bumaba na lamang sa P50,000 ang kanilang hinihingi.

Ang tatlong pulis ay nahuli sa entrapment operation na isinagawa ng mga pulis matapos magsumbong ang asawa ng isang biktima.


Loading...