Dalawang Babae, Nagsabunutan Dahil Isa sa Kanila Mabaho ang Kili-kili


Loading...
Viral ngayon sa social media ang video post ng isang Netizen tungkol sa pag-aaway ng dalawang babae. Ang nakakagulat na dahilan ng kanilang pagtatalo ay dahil isa sa kanila ay may amoy o bahalo ang kili-kili.


Ang Netizen na nag-upload ng video ay nakilala sa pangalang Hikaru Hiro sa kanyang Facebook account. Ayon sa kanya, bigla na lang raw nag-away ang dalawang babae sa front seat. Hindi na raw nakatiis ang isang babae dahil sa mabahong kili-kili ng kanyang katabi.

Sa video, kitang-kita ang pagtatalo ng dalawa na humantong sa pagsasabunutan. Inawat naman sila ng iba pang pasahero at drayber ng sasakyan subalit nagpatuloy parin sila sa kanilang pananakit sa bawat isa.

Ang video na ito na nai-upload noong June 20 ni Hikaru Hiro ay umabot na ng 800K Views at nasa 10K Shares na ngayon.

Panoorin ang Video:


Loading...