Imbestigador ng BIR, Arestado! Malaking Bahagi ng Sinisingil na Buwis, Binubulsa!


Loading...
Huling-huli sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang tatlong special investigators ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ito ay dahil sa ginawang pangingikil ng tatlong empleyado ng BIR.


Ang entrapment operation ay nangyari sa isang restaurant sa Greenhills sa San Juan. Dito, narekober ng NBI ang ‘mark money‘ na ginamit at ito’y nagkakahalaga sa P600,000.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, ang modus raw ng tatlo ay siningil ng P1.2-Milyon ang restaurant owner para sa Tax liability. Hindi raw ito nabayaran ng biktima kaya inalok nalang ng tatlo na kalahati nalang ang babayaran nito.

Pero kakaiba ang trip ng tatlong suspek para lang magkapera. Ang gusto nila, ang P600,000 ay hahatiin sa dalawa. Ang 75,000 para sa BIR at ang 525,000 ay kanila nang ibubulsa.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Investigator 1 Gary Anastacio, Investigator 1 Edgardo Javier, at Investigator 2 Arturo Buniol.

Ang hindi kanais-nais naman na pinakita ng isang suspek ay ang patuloy na pagkain nito kahit nahuli na siya. Tingin ng iba, malaki ang kanyang kapit kaya’t parang wala lang sa kanya.


Loading...