Lalaking Siga, Nanginginig sa Takot nang Makaharap si Ben Tulfo


Loading...
Humanga ang mga Netizens sa pinakitang tapang ni idol Ben Tulfo nang personal nitong harapin at sirmunan ang lalaking siga na inirereklamo ng isang lola.’


Si lola kasama si lolo at kapitbahay nila ay dumulog sa programang’BITAG‘ ni Ben Tulfo para ireklamo ang anak-anakan ni lola dahil sa hindi magandang pagtrato nito sa kanya at pagbabanta nito sa kanilang buhay.

Ayon kay lola, adik raw at pinagbabantaan ang kanyang buhay kaya’t gusto niyang palayasin ang lalaking ito sa kanyang bahay. Ang lalaki ay may asawa rin na nakikitira sa bahay ni lola. Kapag nag-aaway raw ang dalawa ay nadadamay sila.

Sa pagsisiwalat ni lola, ang lalaking ito raw ang tumanggap ng pera na napanalunan sa ‘Sugod bahay‘ ng ‘Eat Bulaga‘. Hindi raw siya sinabihan kahit siya ang may-ari ng bahay. Siniraan rin raw sila sa mga host ng nasabing programa. Sinabi raw ng lalaking ito na sina lola at lolo ang nang-aaway sa kanila.

Dahil dito, galit na galit si Ben sa ginawa ng lalaking ito sa lolang nagpalaki at nag-alaga sa kanya.

Panoorin ang Part 1



Ang video sa part 1 ay hanggang sa pangako lamang ni Ben. Kaya naman nabitin ang mga Netizens kung ano ang susunod na kabanata sa kaso ni lola para matulungan siya.


Ngayon ay tinupad ni Tulfo ang kanyang pangako na harap-harapang sirmunan ang lalaking nagsiga-sigahan at nambaboy kay lola.

Sa videong ito, mapapanood personal na hinarap ni Tulfo ang lalaking inireklamo at pinagalitan ito sa kanyang ginawa. Tahimik naman ang lalaki at parang nanginginig sa takot.

Panoorin ang Part 2



Loading...